Saturday, September 3, 2011

Kapighatian ni Ka Panulat

Sa bawat hagod ng aking amo
Sa papel daig pay martial law
Ay ang sakit ng aking nadarama
Sa tuwing bakanteng hungkag di ko madaanan nitong tinta kong kayamanan.

'Di ko naman siguro kasalanan
Kung bakit di ko mahanapan ng paraan
Ang kanyang kinadenang problema
Dahil ako'y sunod-sunoran lamang; chin-chin kumbaga.

Sa patlang akoý pilit pinaiiwas
Sa mga tanong ako'y pilit inilalayo
Pambihirang buhay naman to oh!
Mas masahol pa sa nakatakas na criminal; sambit sa lipunang 'lang hiya.

 Aba! Parang tapos na ang taonang kaguluhan sa parang
Sa pag-latag mga anghel ang bumulaga ng kusa.
Pero di ko lubos matanto
Ang paghagis sakin sa kawalan ay gawang pang-demonyo.

©Angelito G. Nambatac Jr

Smiley face Smiley face Smiley face Smiley face Smiley face Smiley face Smiley face Smiley face
Smiley faceSmiley face
Smiley face